Barangay Kapitan sa Reina Mercedes, Nabaril ang Sarili!

84

Reina Mercedes, Isabela – Aksidenteng nabaril ang sarili ng isang Barangay Captain sa Reina Mercedes, sa oras na alas onse ng umaga kahapon March 25,2018.

Sa ibinahaging impormasyon sa RMN Cauayan News, nakilala ang kapitan na si Jerry Beltran Domingo Jr., trentay kwatro anyos at residente ng Sallucong, Reina Mercedes na kaagad itinakbo sa Isabela United Doctors Medical Center o IUDMC Cauayan City matapos na aksidenteng mabaril ang sarili habang nililinis ang baril.

Sa imbestigasyon ng PNP Reina Mercedes, nabatid na habang nagpapahinga umano ang asawa ni Domingo Jr. na si Glazie Guzman Domingo sa loob ng kanilang tahanan ay bigla na lamang sya nakarinig ng putok ng baril mula sa labas ng kanilang bahay sa nasabing oras.

Paglabas ni Glazie Domingo ay nakita ang asawa na nakabulagtang sa sahig na may tama ng bala sa kanang binti.

Pinatunayan naman ni Barangay Councilor Roel Domingo, kamag-anak at kapit-bahay ni Jerry Domingo Jr. na aksidenteng nakalabit ang baril habang nililinis ito.

Boluntaryo namang isinuko ni Roel Domingo ang kalibre Daewoo 9mm na may nakasalang pa na isang bala sa himpilan ng pulisya at kasalukuyan pang iniimbestigahan ang naturang baril.

Facebook Comments