Barangay Minante 1, Isinailalim sa Extreme Enhanced Community Quarantine matapos magpositibo ang Health Worker

*Cauayan City, Isabela*- Isasailalim sa Extreme Enhanced Community Quarantine ang Barangay Minante Uno, Cauayan City matapos magpositibo sa covid-19 ang isang residente na isang health worker.

Ayon kay Barangay Captain Clay Dy ng Minante Uno, ito ay upang matiyak na hindi na kakalat pa ang nasabing virus bagama’t doble na ang kanilang ginagawang hakbang ngayon para tiyaking ligtas ang lahat ng residente sa kanilang lugar.

Dagdag pa ng opisyal na kanilang napagdesisyunan na ilolockdown sa ngayon ang kahabaan ng kalye kung saan nakatira ang nasabing health worker.


Kinumpirma din ng kapitan na ang Purok 3 sa Minante Uno ang tanging lugar ang hindi muna magpapapasok para maiwasan ang posibleng pagkalat ng nasabing sakit.

Nabatid na umuwi ang health worker sa lungsod pagkaraan ng sampung araw mula sa kanyang pagtatrabaho bilang isang Medical Technologist sa isang ospital.

Tanging pakiusap ng kapitan sa kanyang nasasakupan na ugaliin pa rin ang pagsunod sa kinauukulan hinggil sa tamang gabay na maiwasan ang pagkahawa ng nakamamatay na sakit.

Facebook Comments