Barangay Mini Job Fair ng DZXL 558 Radyo Trabaho, aarangkada na ngayong araw

All set na ang gagawing Barangay Mini Job Fair ng DZXL 558 Radyo Trabaho.

Sisimulan ito mamayang alas-otso ng umaga at magtatagal ng hanggang alas-tres ng hapon.

Ang DZXL Radyo Trabaho Mini Job Fair ay ikakasa sa Covered Court, Barangay 184 sa Pasay City.


Nasa higit 2,000 bakanteng trabaho ang iaalok dito kabilang ang service crew, sales representative, office staff, merchandizer, maintenance, call center agent at iba pa.

Maari magtungo dito ang mga residente ng Pasay City na pawang mga high school graduates, college level, technical o vocational graduates at college graduates.

Sa mga interesado naman na aplikante, magdala ng maraming kopya ng resume at sariling ballpen kung saan pairalin pa rin ang health protocols upang maiwasan na mahawaan ng anumang sakit.

Siguraduhin din na huwag kalimutan ang diploma, transcript of records at certificate of employment para sa mga dati nang nagtatrabaho.

Kaugnay nito, may sopresang naghihintay sa mga dadalo sa DZXL 558 Radyo Trabaho, Barangay Mini Job Fair.

Katuwang naman ng DZXL 558 Radyo Trabaho sa pagsasagawa ng Barangay Mini Job Fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Services Office ng Pasay City kasama ang pitong partner agencies.

Kasama rin ang Maynilad, Villar Sipag, ACS Manufacturing Corporation makers of shield bath soap, “shield bath soap, 24-hour germ protection, galit sa sakit, may malasakit! “recommended by the Philippine Nurses Association at Unique Toothpaste – “goodbye sa tooth decay, unique toothpaste everyday”

Facebook Comments