Barangay na COVID-free sa Pasay, umabot na sa 170

Umakyat na sa 170 na mga barangay sa Pasay ang wala nang naitatalang kaso ng COVID-19.

Batay ito sa ulat ng Pasay City Information Office ngayong araw.

Ilan sa mga barangay sa Pasay na COVID-free na ay ang mga Barangay 103, 120, 137,152, 167 at Barangay 190.


Kaugnay nito, ngayong araw rin ay may pitong kaso ng COVID-19 ang naitala, kaya umabot na sa kabuuang 14,664 ang COVID cases.

Habang may nadagdag naman na 9 na gumaling sa COVID ngayong araw kaya umabot na sa 14,222 ang mga gumaling.

Nananatili naman sa 393 ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments