Barangay na Nagdeklara ng Persona Non Grata sa CPP-NPA, Nadagdagan pa

*Cauayan City, Isabela*- Nagdeklara rin ng persona non grata kontra sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang bayan ng Baggao sa Lalawigan ng Cagayan.

Pinangunahan mismo ni Ginoong Richard Nuñez, kapitan ng Barangay Bitag Grande, Baggao, Cagayan ang pagtatakwil sa mga komunistang grupo sa isinagawang Barangay Assembly kahapon, Marso 20, 2021.

Ayon sa Kapitan, ayaw na nila ang presensya ng mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa kanilang barangay upang maiiwas ang mga Kabataan sa kanilang panghihikayat at mapigilan ang kanilang paghahasik ng kaguluhan.


Bilang pagpapatunay ng kanilang pagtatakwil sa CPP-NPA, lumagda ang mga opisyal ng barangay ng isang Resolution kasama ang mga kasundaluhan.

Matatandaan na nauna nang nagdeklara ng Persona Non Grata kontra sa NPA ang mga Barangay Officials ng Barangay Hacienda Intal, Baggao, Cagayan nitong nakalipas na Buwan ng Setyembre 2020.

Facebook Comments