Binisita ng DZXL Radyo Trabaho team ang Barangay 8 sa Caloocan City kung saan nagkaroon ng sunog kagabi at dalawang residente ang binawian ng buhay.
Bagama’t halos walang naabutang barangay officials ang DZXL Radyo Trabaho team sa barangay hall, labis naman ang pasasalamat ng pamunuan ng barangay sa pagdalaw sa kanilang constituents.
Ayon sa kinatawan ng barangay na si M. Costillas, malaking bagay sa kanilang constituents ang trabahong makukuha ng mga ito sa pamamagitan ng DZXL Radyo Trabaho team.
Ikinalugod din ng mga residente ng Barangay 8 ang giveaways na naipamahagi ng DZXL Radyo Trabaho team.
Facebook Comments