Barangay ng Ginang na Nahuli sa Buybust, Deklaradong Drug Cleared

18

Cauayan City, Isabela- Deklarado na ng PDEA bilang drug cleared barangay ang Marabulig 1 sa Lungsod ng Cauayan.

Gayunman, ikinagulat ni barangay Chairman Jaime Partido ang ulat na may isang Ginang ang nahuli sa inilatag na drug buy bust operation ng PNP Reina Mercedes na residente ng barangay Marabulig 1.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Brgy. Captain Partido, ikinalulungkot aniya nito na may isa itong kabarangay na nahuli sa illegal na gawain sa kabila ng kanilang nakuhang parangal na malinis na sa droga ang kanyang nasasakupan.

Dahil dito, hiniling nito sa bawat isa na makipagtulungan sa pag-monitor upang hindi na madagdagan ang kaso ng mga nasasangkot sa droga.

Magugunitang naaresto kahapon, July 8, 2020 ng mga kasapi ng PNP Reina Mercedes ang isang Ginang na si Marie Joy Andres, 35 taong gulang matapos na magpositibo sa buybust operation ng mga otoridad na kung saan nakuha sa pag-iingat nito ang kabuuang bilang na anim (6) na sachet ng hinihinalang shabu at Php2,000.00 na marked money.

Facebook Comments