Barangay official at sibilyan arestado sa drug operation ng PDEA 12 sa Makilala North Cotabato

Isang barangay kagawad at isang sibilyan ang nahuli sa isinagawang drug operation ng PDEA 12 katuwang ang Cotabato Police Provincial Office, Provincial Public Safety Company, at Makilala PNP sa Brgy. Guangan sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng North Cotabato kaninang madaling araw ng Sabado. Kinilala ang naaresto na si Brgy. Kagawad Elmer Petecio.
Batay sa report pinasok ng raiding team ang tahanan ng kagawad bitbit ang search warrant at nakuha mula sa loob ng bahay nito ang 11 pakete ng pinaniniwalaang shabu, at mga drug paraphernalia..
Isa ring sibilyan ang kasamang nahuli na kinilalang si Alvin Nguho , BPAT member, residente din ng nasabing lugar. Nakuha sa posisyon nito ang 12 pakete ng pinaniniwalaang shabu at isang cal. 38 revolver na may kasamang tatlong mga bala.
Ang mga suspek ay pansamantalang nasa kostodiya ng Makilala Pnp at nakatakdang ilipat sa PDEA-12 custodial facility . (Amer Sinsuat)

Facebook Comments