Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa COVID-19 ang isang opisyal ng Barangay Villa Concepcion sa Lungsod ng Cauayan.
Ayon kay Kapitan Soledad Quijano, nagtungo ang nasabing opisyal sa Lungsod ng Santiago para magpasuri sa kanyang iniindang sakit sa kidney noong isang araw.
Giit pa ng kapitan, nagawa pang makauwi ng pasyente gamit ang kanilang pribadong sasakyan subalit kagabi lang (August 26) ng makatanggap ng tawag mula sa City Health Office ang kapitan tungkol sa sitwasyon ng nagpositibong opisyal.
Paniniwala ng kapitan na hindi nagmula ang pagkahawa sa sakit ng kanyang kapwa-opisyal dahil may ilan pang lugar ang napuntahan nito gaya ng sa bayan ng Mallig at Roxas.
Kinumpirma din ng kapitan na ang lahat ng mga tindahan sa kanilang barangay ay pansamantalang isinara upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng nasabing virus.
Kasalukuyan din ang isasagawang contact tracing sa iba pang posibleng nakasalamuha ng opisyal maliban sa close contact nito na kanyang kasamahan sa konseho ng barangay at kanyang pamilya.
Simula na ngayong araw ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa nasabing barangay.