BARANGAY OFFICIALS AT LUPON SA BAYAN NG TAYUG, SUMAILALIM SA PAGSASANAY

Sumailalim sa pagsasanay ang mga barangay officials at lupon sa bawat barangay sa bayan ng Tayug sa loob ng dalawang araw hinggil sa katarungang Pambarangay Administration at Violence Against Women and their Children o VAWC.
Napag usapan sa naturang pagsasanay ang Republic Act No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act na nagsisilbing proteksyon sa mga kababaihan at kanilang mga anak na nakakaranas ng pang aabusong pisikal, sekswal, sikolohikal at pagkakait ng kanilang mga kalayaan.
Kaugnay nito, ibinahagi rin ng alkalde ang kanyang kaalaman ukol sa ilang mga bahagi ng batas partikular na ang Presidential Decree No. 1508 o Katarungang Pambarangay Law kung saan naglalayon itong maisaayos ang mga problema sa barangay sa pamamagitan ng mediation, conciliation o arbitration na hindi na kailangang dumaan sa korte.

Pinamunuan ang nasabing pagsasanay ng President of Alliance for Barangay Concerns o ABC at Department of Interior and Local Government o DILG Tayug Field Office na pinangasiwaan naman ng Municipal Local Government Operations Office o MLGOO. |ifmnews
Facebook Comments