BARANGAY OFFICIALS SA ASINGAN, SUMAILALIM SA SURPRISE DRUG TEST

Sumailalim sa surprise drug test ang 201 opisyal ng barangay at appointed personnel sa bayan ng Asingan bilang bahagi ng pinagtibay na pakikipaglaban kontra iligal na droga.

Ayon kay Mayor Carlos Lopez Jr., seryoso ang lokal na pamahalaan sa tungkuling pagpapatupad ng mga programa na may kinalaman sa paglaban sa iligal na droga partikular sa mga komunidad.

Sumailalim din ang mga opisyal sa programang Strengthening Institutional Capacities of Barangay Anti-Drug Abuse Council o SICAP-BADAC.

Inaasahan na mas lalakas pa ang kakayahan ng mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) bilang kaisa sa pagbabantay at pagpapatupad ng batas sa iligal na droga sa mga komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments