Barangay Officials sa City of Ilagan, Pinulong ng Alkalde

Cauayan City, Isabela- Pinulong ni Mayor Josemarie Diaz ng City of Ilagan ang lahat ng mga opisyal ng 91 barangay upang ipanawagan ang paghihigpit sa kani-kanilang lugar para sa pag-iwas ng pandemya.

Ayon kay City Information Officer Paul Bacungan, ito ay bahagi ng mandato ng Lokal na Pamahalaan para maiiwas ang publiko sa banta ng virus matapos makapagtala ng kumpirmadong kaso COVID-19.

Aniya, ipinag-utos na rin ng alkalde sa lahat ng barangay na ibalik ang inilatag na checkpoint at tiyakin na maging alerto ang kanilang pwersa para sa ibang mga taong papasok sa kanilang barangay.


Bukod dito, mananatili pa rin ang lahat ng checkpoint ng mga awtoridad at panawagan para sa mga magbabalak na pumasok sa lungsod na mangyaring magpresenta pa rin ng mga kaukulang dokumento gaya ng medical certificate at travel pass.

Patuloy naman na panawagan sa publiko na sundin pa rin ang ipinapatupad na health safety protocol para sa kaligtasan ng mga ito.

Facebook Comments