Barangay on-site registration para sa electricity lifeline rate subsidy, ikinasa ng MORE Power

Naglunsad ang MORE Electric and Power Corporation ng barangay on-site registration para tumanggap ng aplikasyon upang mabigyan ng diskwento sa singil sa kuryente o ang lifeline rate subsidy sa ilalim ng EPIRA law.

 

Umaabot na sa 1,519 aplikasyon ang kanilang natanggap mula sa 42 barangay simula noong Agosto a-dos.

 

Layon ng programa na matiyak na mas mapalapit sa marginalized group ang lifeline rate subsidy at marami ang maka-avail nito.


 

Hinimok naman ng MORE ang mga eligible applicants na samantalahin ang maaaring makuha na diskwento.

 

Ang full rollout ng aplikasyon para sa subsidy ay pinalawig ng Department of Energy (DOE) hanggang sa buwan ng Setyembre dahil sa mababang turnout ng aplikasyon.

 

Sa ilalim ng bagong polisiya ng Enhanced Lifeline Subsidy na ipinalabas ng DOE, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Energy Regulatory Commission (ERC), kwalipikado sa nasabing subsidiya ang mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) members at marginalized sector na kumukunsumo ng mas mababa sa 100 kilowatt hour (kwh) kada buwan.

 

Dagdag pa ng MORE, mas pinalapit na nila sa mga residente ang aplikasyon kaya naman palagian lamang bisitahin ang kanilang official Facebook page para sa petsa at lugar ng barangay on-site registration at sa mga kailangang ipasang requirements.

 

Samantala, ang mga consumers na walang palya sa pagbabayad ng kanilang electric bill sa loob ng 36 buwan ay maaaring makakuha ng bill deposit refund mula sa MORE Power alinsunod sa itinatakda sa Magna Carta for Residential Electricity Consumers.

Facebook Comments