BARANGAY PANTAL, DAGUPAN, PINARANGALAN BILANG NATATANGING GALING POOK AWARDEE 2025 SA REGION 1

Isang kasaysayan para sa Dagupan ang tinanggap ng Barangay Pantal na prestihiyosong Galing Pook Award 2025 sa Malacañang Palace.

Iginawad mismo ang parangal ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama sina DILG Secretary Jonvic Remulla at Galing Pook Foundation Chair Mel Sarmiento.

Isa lamang ang Barangay Pantal sa sampung (10) natatanging barangay sa buong bansa na kinilala ngayong taon—isang patunay ng kanilang pambihirang pamumuno, sipag, at makabagong programa para sa kapakanan at pag-unlad ng kanilang komunidad.

Pinangungunahan ni Kapitan Julita Perez, patuloy na namamayani sa Barangay Pantal ang kultura ng malasakit, tapat na serbisyo, at pakikipagtulungan. Ang kanilang mga inisyatiba para sa kalinisan, kaayusan, kabuhayan, at kalusugan ay nagsilbing huwaran para sa ibang pamayanan. Sa kanilang pagkilala, muling pinagtibay na ang barangay ang tunay na unang hakbang ng mabuting pamamahala.

Sa kanyang mensahe, muling iginiit ni Pangulong Marcos Jr. na, “Kapag malinaw ang proseso

Ang prinsipyong transparency at pagsasalaang-alang ng kapakanan ng mga nasasakupan ang nagtutulak sa pamahalaang lungsod ng Dagupan upang patuloy na itaguyod ang mahusay at makataong pamamahala.

Ang pagkapanalo ng Barangay Pantal ay hindi lamang karangalan para sa kanila, kundi karangalan para sa buong Dagupan, na nagpapatunay na kapag pinagsama ang maayos na liderato, malasakit sa tao, at pagkakaisa, tiyak ang pag-usad ng isang komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments