BARANGAY PEACEKEEPING ACTION TEAMS, NAGDAOS NG ENHANCEMENT TRAINING SEMINAR SA ECHAGUE, ISABELA

Cauayan City – Isinagawa ng Echague Police Station sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Echague ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) Enhancement Training Seminar sa Casa Maria Event’s Place, Barangay San Fabian, Echague, Isabela.

Layunin ng nasabing seminar na palakasin ang kakayahan ng mga barangay opisyal at tanod mula sa 64 barangay ng bayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga komunidad.

Pinangunahan ito ni PMAJ Mervin G. Delos Santos, Chief of Police, kasama si Mayor Francis Faustino A. Dy.


Tinalakay rin ng mga eksperto ang mahahalagang paksa gaya ng Katarungang Pambarangay, tamang pagresponde sa mga krimen, kaligtasan sa sunog, at proteksyon laban sa karahasan sa kababaihan at bata.

Pinuri rin ang dedikasyon ng mga kalahok na barangay opisyal at tanod sa kanilang aktibong partisipasyon sa mga talakayan.

Bahagi ng programang ito ang adbokasiya ng Philippine National Police na magtatag ng mas malalim na kooperasyon sa pagitan ng PNP at lokal na pamahalaan upang mapanatili ang seguridad sa mga komunidad.

Facebook Comments