Barangay personnel na hindi reresponde sa COVID-19 cases, kakasuhan – DILG

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na mahaharap sa reklamo ang mga barangay personnel na hindi reresponde sa residenteng tinamaan ng COVID-19.

Ito ay kasunod ng mga ulat na may ilang tauhan ng barangay ang tumatangging tulungan ang mga residente dahil sa pangambang sila ay makapitan ng virus.

Ayon kay DILG Officer-in-Charge Undersecretary Bernardo Florce Jr., hinihikayat niya ang publiko na isumbong sa kanila kung may mga ganitong insidente.


Inatasan ni Florece ang mga barangay officials na i-manage ang COVID-19 situation sa kanilang nasasakupan.

Iginiit ni Florece na ang mga barangay personnel ay Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).

May pananagutan ang mga barangay officials at personnel sa ilalim ng Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Facebook Comments