Barangay quarantine pass, hindi kikilalanin sa quarantine checkpoints ng JTF COVID-19 Shield

Hindi kikilalanin ng Philippine National Police (PNP) ang mga barangay quarantine pass sa mga checkpoint.

Sinabi ito ni PNP Deputy Chief for Operations at Joint Task Force (JTF) COVID-19 Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

Aniya, kahit na ano pang quarantine pass ang inisyu ng mga LGUs, hindi ito kailangan para makadaan sa quarantine checkpoints.


Binigyang diin ni Eleazar na basta’t Authorized Person Outside of Residence (APOR), ay maaring dumaan sa checkpoint na ID lang ang kailangang ipakita.

Kabilang sa mga APOR ang mga nagtatrabaho sa health at medical services, security at emergency services, at essential services tulad ng mga banko, grocery, drug stores, food chains, punerarya at media.

Kung hindi, aniya, APOR kahit may barangay pass pa ay hindi pa rin sila padadaanin sa mga checkpoint.

Giit ng opisyal, ang sinusunod na protocol ng PNP sa mga community checkpoint ay ang mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at hindi ang mga protocol ng mga LGUs.

Facebook Comments