BARANGAY SA BAYAN NG MANGALDAN, PINAKIKILOS NA GAMITIN ANG DISASTER FUND PARA SA MGA APEKTADO NG PAGBAHA

Pinakikilos ang lahat ng barangay sa Mangaldan na gamitin ang kani-kanilang disaster fund upang agad na matulungan ang mga residenteng naapektuhan ng baha dulot ng patuloy na pag-ulan.

Kabilang sa mga lugar na mahigpit na binabantayan ang Barangay Guiguilonen, Amansabina, at Anolid dahil sa pagtaas ng tubig-baha at posibleng paglikas.

Kasabay nito, pinatitiyak sa mga barangay na maging alerto at maagap sa pagbibigay ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain sa mga evacuee habang nagpapatuloy ang monitoring ng panahon at relief operations sa mga apektadong lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments