Barangay sa Cebu City na nagsagawa ng prusisyon, binabantayan na ng PNP SAF

Dumating na sa Barangay Basak San Nicolas, Cebu City ang karagdagang tropa ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) para higpitan ang seguridad kasunod ng isinagawang religious procession sa kabila ng pagbabawal ng mass gatherings sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Police Regional Office 7 (PRO-7) Director, Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro, nasa 14 na indibidwal kabilang ang Barangay Chairman ay nahaharap sa reklamong kriminal.

Hindi rin aniya ligtas ang mga organizers ng event at mga nakibahagi sa prusisyon.


Aminado naman si Barangay Chairman Norman Navarro na may mga pagkukulang siya.

Tumanggi naman ang organizer na si Nicolas Judah Tabar na magkomento habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Sa huling datos ng Cebu City Health Office, aabot na sa 5,141 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod, 2,713 ang gumaling habang 169 ang namatay.

Facebook Comments