Cauayan City, Isabela- Nasa 209 mula sa 2,311 na kabuuang barangay sa buong lambak ng Cagayan ang nananatiling apektado ng illegal na droga ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2.
Inihayag ito ng ahensya kasabay ng isinagawang pagpapasinaya sa ika-42 ng Balay Silangan Reformation Centers sa Cabagan, Isabela kamakailan.
Tunay umano ang pagsisikap ng komunidad katuwang ang stakeholder sa pagpapanumbalik ng sitwasyon sa rehiyon sa ilalim ng Barangay Drug Clearing Program ng ahensya.
Kasama rin sa naturang aktibidad ang ilang opisyal at kawani ng iba’t ibang ahensya gayundin ang religious sector at komunidad.
Patuloy naman ang paghimok ng PDEA sa publiko na makipagtulungan sa kanila upang unti-unti ng mawala ang illegal na droga.
Facebook Comments