Barangay San Miguel, Taguig City, handa na para sa isasagawang job fair sa pangunguna ng Taguig City PESO

Handa na anytime na magsimulang tumanggap ng mga aplikante ang mga kumpanyang dumalo sa isinasagawang job fair ngayon dito sa Barangay San Miguel, Taguig City.

Sa ngayon, car washers ang isa sa mga iniaalok ng Clean Car Global Philippines kung saan, kahit sino basta hindi mahiyain, nakatuntong nang kahit 2nd year high school. Walang itinakdang edad. Hangga’t kayang magtrabaho, maari nilang tanggapin.

Sa ika-2 kumpanya naman, alok nila ay mga trabahong nangangailangan ng epesyalidad gaya ng electrical, mechanical at civil engineer ang nangunguna sa kanilang listahan.


Kailangan din nila ng mga multi-skilled technician, baker, cashier/service crew at maraming iba pa.

Naghahanap naman ng mga food handlers, management trainee at iba ang Dada’s Litson.

Kaya sa mga taga Taguig City lalo na yung mga malapit dito sa barangay San Miguel, sugod na dala ang maraming resume upang makapag-apply ng trabaho.

Malay mo, baka dito mo ba makita ang hinahanap mong trabaho…

May ilan pang mga employer ang inaasahang darating ngayon.

Hanggang alas dose ng tanghali naman tatagal ang job fair dito ngunit maaari pa ring mag-apply sa Taguig City PESO office at siyempre dito sa DZXL Radyo Trabaho. (DZXL RadyoMaN Ronnie Ramos)

Facebook Comments