Barangay Secretary at Treasurer, Huli sa Aktong Pagsusugal

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 12 katao kabilang ang Barangay Secretary at Treasurer matapos mahuli sa aktong nagsusugal pasado alas-7:00 kagabi sa Brgy. Cabaggan, Pamplona, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Brgy. Sec. Elizabeth Tabia, 49-anyos, walang asawa; Brgy. Treas. Elenita Maribung, 40-anyos at Sharon Cenal, 40-anyos na kapwa mga residente sa nasabing lugar.

Dinakip ang mga suspek sa bahay ng nagngangalang Adelina Arinabo habang naglalaro ng ‘tong-its’.


Agad na kinumpiska sa mga ito ang pera na halagang P105 bilang ebidensya.

Samantala, inaresto din ang iba na kinilalang sina Encarnacion Narag, 56-anyos, SAP Recipient;Nieves Baccay, 58-anyos;Gina Guarde, 48-anyos;Lina Saludares, 49-anyos na kapwa mga residente ng Brgy. Lallayug, Tuao, Cagayan.

Habang nakilala din sina Mirna Daracan, 53-anyos, residente ng Centro 1, Tuao; Jomar Basiuang, nasa tamang edad, driver, SAP recipient; Gimer Aguilan, nasa tamang edad, laborer, SAP recipient; Erick Narag, nasa tamang edad, SAP recipient at Jenny Soriano, may-asawa at kapwa mga residente ng Brgy. Lallayug

Nahuli ang mga suspek matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya na may isang grupo ng katao ang nagsusugal sa bahay ng nagngangalang Gaspar Tuluan.

Nakumpiska sa mga ito ang pera na halagang P740 at mga gamit sa iligal na sugal.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 at RA 11332 ang mga suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments