Cauayan City – Ipinatupad ng Barangay Soyung ang mga hakbangin upang maiwasan ang sunog at iba pang aksidente sa kanilang komunidad bilang bahagi ng adbokasiya para sa ligtas at mapayapang holiday season.
Ang mga ito ay alinsunod sa DILG Memorandum Circular 2024-175 na may temang “Peaceful and Safe Observance of the 2024 Holiday Seasons,”.
Sa direktiba ni Punong Barangay Eduardo M. Juan Jr., nagsagawa ang mga duty personnel ng barangay information dissemination upang hikayatin ang mga residente na sundin ang mga safety protocols.
Binibigyang-diin sa kampanya ang pag-iwas sa paggamit ng mapanganib na paputok at pagsunod sa mga regulasyon para mapanatili ang katahimikan at kaligtasan ng lahat.
Bukod dito, pinapaigting din nila ang kanilang kahandaan sakaling may mga hindi inaasahang pangyayari.