Barangay tanod, nahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng 1M sa Quezon City

Arestado ang isang barangay tanod matapos mahulihan ng mahigit P1 milyon halaga ng shabu sa joint operation ng National Capital Region Police Office (NCRPO), District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA).

Kinilala ang nahuling drug suspect na si Teng Macalbog a.k.a Moklo, 47, barangay tanod ng Maharlika, Taguig City.

Matapos isailalim sa surveillance ng NCRPO, ikinasa ang operasyon sa Katipunan Ave. near corner CP Garcia Ave., Barangay UP Campus, Quezon City.


Nang magpositibo ay agad hinuli ng mga otoridad ang suspek.

Nakumpiska sa suspek ang 150 grams ng shabu, mga cellular phones at motorsiklo na gamit niya sa transaksyon.

Facebook Comments