Barangay Tanod, Natagpuang Patay sa Irigasyon!

*Ramon, Isabela- Hustisya ang sigaw ngayon ng* pamilya at kamag-anak ng isang Barangay Tanod na kasalukuyang pinaglalamayan matapos na matagpuan ang bangkay nito sa irrigation canal sa Brgy. Bantug, Ramon, Isabela.

Ang biktima ay nakilalang si Manuel Agustin, 56 anyos at residente ng Brgy. Oscariz, Ramon, Isabela.

Natagpuan ng mga concerned citizen at mga otoridad ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa isang irigasyon sa nabanggit na lugar.


Nakatakda namang isailalim sa pagsusuri o autopsy ang bangkay ni Agustin upang matukoy ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Facebook Comments