Barangay tanod ng Barangay Cabcabin, Mariveles, Bataan – natagpuang patay

259

Mariveles, Bataan – Natagpuang patay ng mga awtoridad ang isang 61 anyos na barangay tanod sa Barangay Cabcabin, Mariveles, Bataan.

Sa report ng pulisya, kinilala ang biktimang si Antonio Sinsiongco, residente ng nabangit na barangay.

Nabatid sa imbestigasyon sa anak ng biktima na si Analyn na hindi umano sumasagot ito sa tawag at text message, kaya’t ipinagbigay alam niya ito sa kanilang mga kaanak.


Natagpuan ang biktimang wala ng buhay sa isang lugar 50 metro ang layo mula sa kaniyang tahanan na tadtad ng saksak at may natagpuang pa umanong pamalong yantok sa tabi ng bangkay nito.

Nabatid na may dala umanong pera ang biktima mula sa kaniyang monthly pension ng manyari ang pagkawala nito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa naturang krimen.



Facebook Comments