Patay ang isang barangay tanod matapos pagbabarilin sa sitio Parongking, Brgy. San Miguel, Calasiao, Pangasinan, kahapon.
Ilang residente sa lugar ang nabulabog matapos marinig ang sunod-sunod na putok ng baril.
Ayon sa kanila, naganap ang pamamaril sa isang kubo sa bukid kung saan madalas magpahinga ang biktima.
Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pamamaril at pagkakakilanlan ng mga suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









