Barangay Tanod sa Ilagan City, Pinagtataga ng Kainuman!

City of Ilagan, Isabela – Pinagtataga ng kainuman ang isang barangay tanod sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan kahapon sa Brgy. Rang-ayan, Ilagan City, Isabela dahil lamang sa hindi pakakaunawaan.

Sa impormasyong ipinarating sa RMN Cauayan, kinilala ang biktima na si Noel Tinawe, tatlumput walong taong gulang, may asawa, samantala ang tumaga ay si Angelito Dimalnat, tatlumpu’t anim na taong gulang, magsasaka at pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa pangyayari nag-inuman umano ang dalawa at hindi nagtagal ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan kung saan ay biglang kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga ang biktima.


Dinala agad sa isang pagamutan si Tinawe para sa karampatang lunas at naaresto naman si Dimalnat na nasa pag-iingat na ng PNP Ilagan.

Facebook Comments