Barangay Tanod sa Santiago City, Patay Matapos Tumbukin ang Nakaparadang Van Truck!

Santiago City- Patay ang isang barangay tanod habang nilalapatan ito ng lunas sa pagamutan matapos itong bumangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isang van truck na nakaparada sa gilid ng kalsada sa barangay Rosario Santiago City.

Kinilala ang nasawi na si Carlos Acosta, 51 anyos, may-asawa at residente naman ng brgy. Patul, Santiago City habang ang drayber ng nakaparadang van truck ay kinilala namang si Elizabeth Lagman, 27 anyos at residente naman ng brgy. San Roque, Enrile, Cagayan.

Batay sa report, nakaparada umano ang close van sa gilid ng naturang lansangan kung saan ay bumabaybay naman si Acosta at ng marating ang pinangyarihan ng insidente ay bigla nalamang itong tinumbok ng biktima at dahil sa bilis ng patakbo nito ay nawalan ng kontrol sa pagmamaneho.


Agad naman itong isinugod ng mga rumespondeng otoridad sa pinakamalapit na pagamutan ngunit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Facebook Comments