BARANGAY VACCINATION SA LUNGSOD NG DAGUPAN, UUMPISAHAN NA SA MARTES

Uumpisahan na ng Dagupan City COVID-19 vaccination team ang pagbabakuna sa bawat barangay ng lungsod ayon sa COVID-19 City Health Officer Focal person.

Ayon Dr. Dalvie Casilang, COVID-19 Focal person, sinabi nitong magiging regular na ang pagbabakuna sa labas ng astrodome kung saan tatawagin itong localized vaccination o ang pagbabakuna sa bara-barangay at uumpisahan ito sa Araw ng Martes, ika-9 ng Nobyembre.

Ayon pa sa kanya, uunahin umano ang mga lugar na nahihirapang makapunta sa vaccination site sa astrodome partikular na sa mga sitio at sa mga Island Barangays.


Tanging mga A5 category na kinabibilangan ng mga Indigent populations kasama na rin ang iba pang mga residenteng walang comorbidities ang babakunahan.

Ito ay dahil kagustuhan ng Dagupan City LGU na makamit ang 70% herd immunity level sa buwan ng Disyembre.

Samantala, Wala pang anunsyo ang City Health Office Vaccination Team kung anong barangay ang uunahing babakunahan.###

Facebook Comments