Tinanggap ng higit dalawang libong barangay workers nula sa Distrito Uno ang tig-dalawang libong piso na mula naman social amelioration program ng probinsya.
Benepisyaryo ang mga Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), Child Development Workers (CDWs) at Barangay Service Point Officers (BSPOs) na may kabuuang 2,517 ang bilang.
Kinilala ng Gobernador ng lalawigan ang hirap ng trabaho ng mga BHWs at lahat ng mga barangay worker na tinagurian niyang “backbone” at katuwang ng probinsiya at lahat ng LGU sa pagbibigay serbisyo.
Mas pagagandahin din ang serbisyong medikal sa pamamagitan ng pagdadagdag sa medical patient navigators isa kada barangay at karagdagang Dialysis Center.
Samantala, tiniyak din ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang diretsong trabaho, diretsong serbisyo at maayos, malinis at matapat na pamamalakad. |ifmnews
Facebook Comments