BARANGAY WORKERS SA SAN QUINTIN, TATANGGAP NA NG SSS BENEFITS SIMULA SETYEMBRE

Irerehistro bilang miyembro ng Social Security System at huhulugan ng buwanang kontribusyon ng lokal na pamahalaan ang mga barangay workers sa San Quintin.

 

Sa panayam kay Mayor Farah Lumahan, karagdagang benepisyo ang maibibigay ng SSS sa mga workers at sa kanilang pamilya bilang pagbabalik sa kanilang pagtatrabaho sa bawat barangay.

 

Nilagdaan na ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng lokal na pamahalaan at SSS Urdaneta City Branch na magsisimula na ngayong Setyembre.

 

Sakop ng kasunduan ang SSS benefits sa ilalim ng Contribution Subsidy Provider Program ng mga barangay health workers, nutrition scholars, population workers at child development workers.

 

Paliwanag ni SSS North Luzon Vice President Vilma Agapito, sa ilalim ng CSSP malaya ang sinumang samahan o indibidwal na bayaran ang buwanang kontribusyon ng piling benepisyaryo nang walang pinagkaiba sa benepisyo mula sa pinaghahatiang binabayaran sa mga pribadong kompanya.

 

Ikinatuwa naman ng mga benepisyaryo ang pagkakaroon ng social protection.

 

Samantala,tiniyak ni Lumahan isusunod nang mapabilang ang mga Civilian Volunteer Organization o CVOs sa mga benepisyaryo sa susunod na taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments