CAUAYAN CITY – Malaking tulong para sa mga magsasaka ang pag-sasaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Barat Flood Control sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya.
Ayon sa ulat ni DPWH Region II Director Reynaldo Alconcel, makatutulong ito upang mas mapabuti ang mga aktibidad pang-agrikultura sa lugar, katulad ng pagtatanim ng mais, palay, gulay, prutas, at maging sa pag-aalaga ng mga hayop.
Nakadagdag din sa kaligtasan ng lugar ang nasabing proyekto laban sa banta ng pag-baha.
Nasa P47.7 milyon ang halagang inilaan upang matapos ang flood control structure sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) of 2023.
Facebook Comments