Baratilyo at Food Strips nagbukas na sa Dagupan City

Binuksan na ngayong araw ang baratilyo at food strip sa Galvan St. at Zamora St. sa Dagupan City bilang bahagi ng kapiyestahan.
Isasara ang Galvan St. sa mga public utility vehicles para sa baratilyo at ang Zamora st. sa oras na 4:00 ng hapon para naman sa Food strip.
Ayon kay Bong Mercado, empleyado ng City Tourism Office patuloy ang paalala sa mga tindera na panatilihin ang kalinisan sa kanilang mga stall para sa kanila at para na rin sa mga mamimili. Ipinagbabawal din ng pamunuan ang mga ambulant vendor’s dahil kapag lumabag ay may karapantang parusa. Pinag-iingat din ang mga mamimili sa mga mandurukot na dapat maging alerto lalo na sa mahahalagang gamit gaya ng cellphone,alahas at malaking halagang pera.
Magtatapos ang baratilyo at food strip sa ika-10 ng Hunyo.
Contributed by:
Erwin Cayabyab
Joshua Sulla
Benedict Cayabyab
[image: 20180412_184019.jpg]

Facebook Comments