Barbero, patay matapos barilin sa loob ng shop nito sa Quezon City

Quezon City – Dead on the spot ang isang barbero matapos barilin ng hindi nakilalang suspek sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Nakilala lamang sa alyas Jojo ang biktima na binaril habang nagpapahinga sa kanyang barbershop sa MRB Compound Pilot Drive.

Ayon sa mga residente isang putok ng baril ang kanilang narinig bago nadiskubre ang bangkay ni alyas Jojo.


Hindi pa naman malaman ng pulisya ang motibo sa nasabing pagpatay kung saan nahagip naman ng CCTV ang suspek na naka-walking short, blue na sumbrero at blue na jacket.

Facebook Comments