Pinag-iingat ng aktres na si Barbie Forteza ang publiko laban sa mga scammer na ginagamit ang kanyang pangalan para makakuha o manghingi ng iba’t ibang produkto.
Sa Instagram post ng aktres, sinabi niya na may isang netizen ang nagpanggap na kaniyang road manager at nanghingi ng food product sa isang online seller.
Bagay na itinanggi naman ng aktres.
Say ni Barbie, na-appreciate niya ang effort na ginawa ng online seller para sakanya pero nahiya siya dahil hindi naman sakaniya napunta ang ipinadala ng kaniyang taga-suporta.
Aniya, nag-post siya sa kaniyang account dahil gusto niyang iparating sa taong ginagamit ang kaniyang pangalan na aware siya sa ginagawa nito.
Facebook Comments