Barcelona, sasama na rin sa strike sa Catalonia sa Spain

Spain – Sasama na rin sa strike sa Catalonia sa Spain ang Barcelona.

Kaugnay ito ng marahas na crackdown ng mga pulis sa Catalonia kung saan umabot na sa mahigit walong daan ang nasugatan.

Ang pagsiklab ng gulo ay epekto ng isinagawang referendum para sa tuluyang pagkalas ng Catalonia bilang bahagi ng España.


Sa naging botohan, karamihan ng mga bumuto ay gusto nang mahiwalay ang Catalonia sa España.

Dahil dito, nahaharap ngayon ang Spain sa political at constitutional crisis.

Facebook Comments