Tumugon ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang maritime incident na kinasasangkutan ng barge, POE 86 KUCHING matapos itong sumadsad sa isang coral sanctuary sa bayan ng Bolinao.
Batay sa inisyal na natuklasan ng PCG, ang barkong POE 86 KUCHING ay tumama sa mga coral reef na 1.5 nautical miles ang layo mula sa baybayin ng Silaqui Island.
Ang barko ay unmanned at walang kargamento na sakay habang nasa lugar.
Bukod dito, walang nakitang bakas ng langis sa grounding site dahil ang nasabing barge ay non-propelled at walang langis kung saan ito ay walang makina.
Tinitignan na ngayon ng PCG katuwang ang University of the Philippines Marine Science Institute (UPMSI) at ang local government unit ng Bolinao ang kabuuang lawak ng pinsala sa grounding site.
Samantala, nahinto naman ang nasabing operasyon dahil sa maalon na lagay ng dagat.
Sa ngayon, patuloy na binabantayan ng PCG ang nasabing barge para sa karagdagang hakbang. | ifmnews
Facebook Comments