BARIL AT SHABU, NASAMSAM SA ISANG LALAKI SA SAN FABIAN

Nasamsam ang baril at hinihinalang shabu mula sa isang 32-anyos na lalaki matapos itong maaresto sa buy-bust operation sa San Fabian, Pangasinan.

Isinagawa ang operasyon ng Drug Enforcement Team ng San Fabian Police sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office 1.

Ang suspek ay residente rin ng nasabing bayan.

Nakumpiska mula rito ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 0.2 gramo at may Standard Drug Price na ₱1,360.00.

Narekober din ang isang revolver na walang serial number.

Dinala ang mga nakumpiskang ebidensya sa himpilan para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments