BARIL AT SHABU, NASAMSAM SA ISANG MAGSASAKA SA BADOC

Naaresto sa bisa ng search warrant ang isang magsasaka sa Barangay 14, Badoc, Ilocos Norte.

Kinilala ang suspek bilang 38-anyos na lalaki, kabilang sa Top 10 Regional High Value Individuals sa lalawigan.

Sa operasyon, narekober mula sa kanya ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng dalawang gramo at may halagang ₱13,600.

Nasamsam din ang isang baril at apat na bala.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Badoc Police Station.

Facebook Comments