Baril na ginamit sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe, narekober na ng PNP

1640

Bicol – Hawak na ngayon ng Philippine National Police ang kalibre 45 baril na umano ay ginamit sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.

Sa ulat ng Special Investigation Task Group Batocabe alas-12:35 ng madaling araw kanina nang marekober ang baril sa isang fishpond sa Purok 3 Brgy. Busay Ligao City.


Narekober aniya ito sa pakikipagtulungan ng suspek na si Christopher Naval alyas Tuping.

Ang baril na ito ay isa sa dalawang baril ni Henry Yuson ang sinasabing pumatay o gunman ni Cong. Batocabe.

Isinumite na agad ng SITG Batocabe sa Crime Laboratory Office sa region 5 ang narekober na baril para sa ballistic at cross matching examination.

Facebook Comments