Baril na ginamit sa pagpatay kay Cong. Batocabe, kumpirmadong nakapangalan sa main gunman na si Henry Yuson

Nakapangalan ang baril na 40 caliber pistol kay Henry Yuson, ang main gunman na pumatay kay AKO Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.

Ito ang lumabas sa ballistic examination ng Philippine National Police sa 11 shells at 5 slugs na nakuha sa crime scene.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde may lisensya ang baril na 40 caliber pistol at ito ay nakapangalan kay Henry Yuson.


Ibigsabihin aniya, tama ang mga pahayag ni Henry Yuson sa extra judicial confession nito.

Dahil dito mas lumalakas ang kanilang ebidensya laban kay Daraga Albay Mayor Carlwyn Baldo.

Si Henry Yuson ay dating miyembro ng NPA at CAFGU na nakapay roll umano sa tanggapan ni Mayor Baldo na isa sa inutusan Mayor para patayin si Cong Batacabe.

Facebook Comments