Baril na ginamit sa pamamaril sa loob ng isang bus sa Nueva Ecija, ginamit din sa iba pang krimen ayon sa PNP

Natapos na ang Integrated Ballistic Identification System at cross-matching, sa mga basyo ng bala na ginamit sa pamamaril sa mag live-in partner sa loob ng isang bus sa Carangglan, Nueva Ecija.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo lumabas sa pagsusuri na ginamit din ang baril sa tatlong iba pang pamamaril kabilang na ang isang insidente sa Isabela at dalawang insidente sa Nueva Ecija.

Ani Fajardo, lumalakas ang suspetsa na posibleng bahagi ng gun-for-hire group ang mga suspek na pumatay sa dalawang biktima.


Patuloy naman ang pangangalap ng karagdagang ebidensya ng PNP, hingil sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Inaasahan din ng PNP, na sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng breakthrough sa nasabing kaso.

Facebook Comments