Barilan sa pagitan ng mga Chinese sa Pasay, patuloy na iniimbestigahan ng PNP

Nakatutok ngayon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pag-iimbestiga sa nangyaring barilan sa pagitan ng mga Chinese sa isang condominium sa Pasay City kahapon.

Kinilala ang mga biktima sa shooting incident na sina Liu Da Jun, 32 anyos, at Chen San Wu, 22 anyos, isang real estate broker, kapwa nakatira sa condominium.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nasa lobby ng condominium ang mga biktima nang dumating ang suspek na isa ring Chinese at kasama nito.


Nag-demand daw ang suspek sa biktimang si Chen San Wu na bigyan siya ng kalahating milyong piso dahil may utang ang kaibigan nito sa kaniya.

Pero tumanggi ang biktima na nauwi sa barilan.

Agad na tumakas ang mga suspek.

Naisugod naman agad sa ospital ang biktima at ngayon ay nasa stable condition na.

Nakuha sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng cal .45, isang deformed slug at live ammunition ng cal .45.

Sa ngayon, inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos sa kaniyang mga tauhan na makipag-ugnayan sa Immigration Bureau ng China para sa pagkakilanlan ng mga suspek nang sa ganun ay mas madaling maaresto ang mga ito.

Facebook Comments