Barker, patay matapos pagbabarilin sa Makati City

339

Makati City – Patay ang isang lalaking barker matapos pagbabarilin ng salaring naka-motorsiklo sa kahabaan ng J.P. Rizal Cor. Zapote Road, Makati City.

Sa CCTV video, makikitang huminto ang motorsiklong sakay ang dalawang tao.

Bumaba ang back rider at naglakad sa kabilang sidewalk palapit sa isang lalaking nakatayo sa kalsada na si Alfredo Halili, 37-anyos saka pinagbabaril.


Hindi pa nakuntento ang suspek dahil binaril pa nito ang biktima kahit bumagsak na ito.

Kampante lang na bumalik sa motorsiklo ang suspek at umalis.

Ayon kay Makati PNP Criminal Investigation Division Chief, Chief Insp. Roman Salazar – sangkot sa ilegal na gawain ang biktima.



Ikinabahala pa ng pamilya ng biktima dahil nangyari ito sa araw at malapit sa himpilan ng pulisya.

Pinag-aaralan na nila ang CCTV at inaalam kung may kaugnayan ang pamamaril sa biktima sa mga pagpatay ng riding in tandem sa iba pang lugar.


Facebook Comments