Barko ng BFAR sa Bajo de Masinloc, winater cannon ng China

Binomba ng tubig ng barko ng China ang barko ng Bureau of Fishery and Aquatic Resources (BFAR) na nakapwesto sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang kinumpirma ni Philippine Navy Spokesperson Rear Admiral Roy Vincent Trinidad.

Ayon kay Trinidad, nakatanggap sila ng impormasyon sa nangyaring water cannon incident na kagagawan ng Chinese Coast Guard vessel ngayon lamang umaga, October 8.


Tumanggi namang magbigay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng iba pang detalye hinggil sa nagyaring insidente at ipinauubaya na ito sa BFAR.

Facebook Comments