Barko ng CCG, namataan ng PCG sa ikalawang araw na suplay mission ng Atin Ito Coalition

Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na patuloy na iniikutan at sinusubukang harangin ng China Coast Guard (CCG) Vessel ang convoy ng mga magdadala ng suplay sa Panatag o Scarborough Shoal.

Ayon sa PCG, namataan ng Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Bagacay ang barkong CCG 4203 sa layong 2 nautical miles habang naglalayag ang Filipino Fishing Vessels (FFVs) na Paty at Bing Bing.

Ito’y sa may bahagi ng Mangrove Point, Zambales bago mag-alas-6:00 ng umaga.


Nabatid na ang mga nasabing fishing vessel ang dalawa sa apat na commercial fishing boats kung saan nakabantay at nakasunod sa kanilang barko ng PCG.

Ito na ang ikalawang araw ng civilian supply mission sa West Philippine Sea (WPS) na pinangungunahan ng Atin Ito Coalition.

Facebook Comments