Barko ng PCG, babalik ngayong araw sa Catanduanes para magdala ng relief supplies

119

Muling lalayag ngayong araw ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) ng Philippine Coast Guard (PCG) patungong Port of Virac sa Catanduanes para magdala ng relief supplies ngayong araw, November 9, 2020.

Layon nitong matiyak na lahat ng apektadong pamilya sa Bicol ay makatatanggap ng tulong habang bumabangon mula sa pinsala na iniwan ng Bagyong Rolly.


Bukod sa food packs na inihanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ibibiyahe rin ng BRP Gabriela Silang ang sako-sakong bigas, de-lata, purified drinking water at mga damit na donasyon ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) at mga pribadong indibidwal.

Inaasahang bukas naman dadaong sa Port of Virac ang BRP Gabriela Silang.

Facebook Comments