Nakaranas ng harassment ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG), mula sa Chinese Coast Guard habang patungo ng Ayungin Shoal.
Ayon sa PCG, hinarang umano ng malaking barko ng China ang kanilang barkong may agwat lamang na 100 yards, noong June 30, habang naglalayag patungo sa nasabing isla.
Bukod dito, nag-deploy rin daw ng warship ang China sa 12 nautical miles ng isla.
Sa kabila nito, mas pinili ng tropa ng Pilipinas na umiwas para mapanatili ang kapayapaan sa nasabing karagatan.
Nabatid na inalalayan ng PCG ang Philippine Naval Force ng AFP Western Mindanao Command na magdadala ng tulong sa mga Pilipinong na nasa Ayungin Shoal.
Gayunpaman, ligtas at payapang naihatid ang tulong sa mga Pinoy na nasa Ayungin Shoal at nakabalik din ang mga tauhan ng barko.
Samantala, iginiit naman ng PCG na ang ginawa ng Chinese Coast Guard ay paglabag sa Convention on the International Regulations in Preventing Collision at Sea.