Barko ng Philippine Navy na bitbit ang relief supplies para sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo, patungo na ng Batanes

Inanunsyo ng Office of the Civil Defense na paalis na patungong Batanes ang barko ng Philippine Navy na BRP Davao Del Sur.

Ayon sa OCD, dala nito ang mga kinakailangang relief supplies para sa mga biktima ng nagdaang bagyo.

Sabi ng ahensya, dala-dala ng barko ang higit 100 tonelada ng tulong tulad ng bigas, food packs, hygiene kits at construction materials mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno tulad ng OCD Region 2, PAGCOR, DOH, DA, DOTr, DICT, DENR at ilang private institutions.


Kaugnay nito, pinapurihan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pagtutulungan ng gobyerno at ng private sector para makapaghatid ng tulong sa mga apektadong Pilipino.

Facebook Comments